Martes, Oktubre 11, 2011
Alamat ng Mike!!
Sa liblib na lugar ng Arayat pampanga nakatira ang pamilya ni Dada. Si Dada ay isang napakalokong bata. Siya ang bunso sa tatlong (3) magkakapatid. Si June ang panganay at si Mae ang pangalawa sa magkakapatid. Si Dada ang nagbubukod tangi sa magkakapatid siya ay makulit at salbahe. Sa tuwing kakausapin siya ng kahit na sino ay uulitin lamang nito ang sinasabi ng kausap. Kaya't bihira mo siyang makausap ng matino. Hindi mawari ng kanyang mga magulang kung may sakit ito sa pag iisip o sadyang maloko lang ang bata. Isang araw isang matandang babae ang kumausap sa kanya upang magtanong. Ngunit hindi sinagot ni Dada nag matanda sa maayos na paraan. Bagkos, ginaya lamang nito ang sinasabi ng matanda. Hindi alam ni Dada na isang engkanto ang matanda, nagalit ito sa kanya, dahil sa mga inasal ng bata sa kanya. At sinabihan siya ng mga katagang "Isinusumpa kita magdurusa ka!!" kasabay ng kanyang pagsambit nagdilim ang langit na tila babagsak ang malakas na ulan kasabay nito naglaho bigla ang matanda at naging isang mikropuno si Dada na di naglaon ay nagagamit na rin sa komputer dahil sa makabagong teknolohiya ngayon.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento