Martes, Oktubre 11, 2011

Tula

    Parang tanga lang!!! 


Walang maisip na dahilan
Kung bakit sa iyo'y nahulog ng tuluyan.
Anong gayumang pinakain??
At sa iyo'y baliw na baliw...


Puso'y di mapigilang umibig sayo
Kahit na alam kong masasaktan lamang ito.
Isip ko'y litong lito
Sa isang katulad mo.


Hindi ko alam kung sa aki'y may pagtingin
Mata'y huling huli sa aki'y nakatingin
O' sadyang naparaan lang ang ang iyong paningin
At sayo'y napatitig na rin!!!



Isipin na nilang "tanga" ako

At nagpapaka baliw sa isang tulad mo
Malaman mo lang na Mahal kita
Kuntento na ako!!


Kung sa aki'y may pagtingin
Ito'y ikagagalak ng aking damdamin
Pangako'y ikaw lang ang mamahalin
Ng puso't damdamin


Dasal ko sa may kapal
Na balang araw ika'y maging katipan
Ngunit paano nga ba??
Kung sa aki'y walang pagsinta :(



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento